Para naman may maishare kayo o kaya may magawa kayo sa tumblr niyo or may gusto kayong iblog tungkol sa sarili niyo, Maari niyong gawin ang mga bagay na ito.
Ito ang tumblr terms na minsan eh nakikita niyo, siguro ay magiging pamilyar kayo dito. Para ma enjoy niyo ang ganda ng tumblr at makasunod kayo sa agos nito.
Laitan Monday -
Dito ka mag boblog tungkol sa taong gusto mong laitin, hindi yung sobrang lait, sabi nga eh ” LAIT in the nicest way “. Maaring kaibigan mo ito na kabiruan mo, o kaya naman sa taong kinakagalit mo talaga, hindi naman niya nababasa kaya ilabas mo lang ang galit mo at laitin mo siya sa araw ng Lunes. Oo nga pala, ilagay mo sa tag ang
laitanmondays
Talent Tuesdays -
Dito ka magshashare ng talent mo. Magaling ka bang kumanta? Magaling ka bang mag doodle? Kumuha ng litrato? Tumipa ng gitara? Tumugtog ng piano? I share mo sa followers mo, ipakita mo sa buong mundo ang iyong talento. Maari kang magkaroon ng bagong kaibigan dahil dito, o hindi ba maganda? Nakita na talento mo, nagkaroon ka pa ng kaibigan, dadami pa followers mo. Oo nga pala itag mo ito as
talenttuesdays
Vanity Wednesdays -
Vain ka ba? Ito na ang pagkakataon para maipakita ang ganda ng iyong mukha, model picture? Studio picture? Cellphone picture? Basta mukha! Oo mukha mo! Ilagay mo na dito! Itag mo ito ng
vanitywednesdays o kaya naman gpoyw
Titillating Thursdays ( TTH )
Ang araw na masaya ang tumblr, ang madalas inaabangan ng kalalakihan, ito ang mag popost ka ng daring na picture sa tumblr, maaring papakita ka ng onting balat, onting ka seksihan, onting ka machohan, name it! Ikaw na ang bahala sa sarili mo, malaki ka na kaya mo na yan.
I tag mo ito as
tth or titillatingthursdays
Freaky Fridays
Ito naman ang magkwekwento ka ng medyo nakakatakot na nangyari sa buhay mo, o kaya naman nakakatakot na picture na nakunan mo, parang ito yung araw na tatakutin mo ang isang tumblrista.
itag mo ito bilang
freakyfridays
Senti Saturdays
May gusto ka bang ilabas na hinaing? May gusto ka bang i share na kalungkutan? Gusto mo bang mag reminisce? O kaya naman mag emo ng isang araw? Gamitin mo ang araw ng sabado para dito, malay mo may magbigay sayo ng payo na maaring maging kaibigan mo dito. Lahat ng inilalagay mo sa tumblr ay mababasa ng tao. I tag mo ito as
sentisabado
TMI Sundays ( Too much information )
Maari itong random fact ng sarili mo, mag shashare ka ng mga tungkol sa buhay mo, in text form o kaya naman bullet form. Mga impormasyon na nangyari sa buhay mo, mga gusto mo, mga ayaw mo, mga ugali na gusto mo sa isang tao, basta mga impormasyon. Linggo ang tamang araw para don!
Ilagay mo ito sa tag mo.
tmisundays
Maari mong ilagay sa tracked tags mo ito. Ilagay mo lang sa search button ang bawat isa.
laitanmondays,
talenttuesdays,
vanitywednesdays
gpoyw,
titillatingthursdays or #tth,
freakyfridays,
sentisaturdays or
sentisabado
tmisundays
Aminin mo, hindi mo maiwasang mag-assume kapag sweet kayo sa isa’t isa. Yung tipong kada nagkukulitan at naghaharutan kayo, iniisip mo na magiging pareho din ang nararamdaman niyo sa isa’t isa, na balang-araw ay mararamdaman din niya kung ano man ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi mo maiwasang mag-assume, kahit na alam mo na isang malapit na kaibigan lang ang tingin niya sa’yo.
kahit di mo ‘toh makikita..
sana dumating na yung araw na may katabi na akong katitigan dito.. hindi yung kunwaring stolen shot lang. hahahahahaa :D
TSSSS. -.-“